Signed in as:
filler@godaddy.com
"Kaya nga, makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa kanilang mga gawa.” Matthew 7:20.
👉 Ang pagiging mananampalataya ay tungkol sa pakikibahagi sa imperfect, TAPAT na proseso ng pagiging Christ-like. Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto pero ito ay pagiging TAPAT.
"Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa." 1 Peter 3:8.
👉 Ang HABAG ay higit pa sa pagiging maalalahanin, ito ay mas malalim. Ang pagkahabag ay nangangahulugang " Kasamang Magdusa."
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.” Matthew 7:12
👉 Ang kagandahang-loob ay nakikita sa ating asal paano tayo makitungo sa iba. Ang lipunan ay mataas ang tingin nila sa mananampalataya sa usaping pag-uugali.
31 Alisin nʼyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa i
saʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo. Ephesians 4:31-32
👉 Ang pagpapatawad sa taong humihingi ng tawad ay syang sinusulong ni Cristo sa mga kristiyano.
6 Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7 Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8 At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba. 2 Corinthians 9:6-8
👉 Ibinahagi ni Jesus ang kaya Nyang tulong para sa iba, walang pinipigilan para sa Kanyang sarili.
17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. Colossians 3:17.
👉 Ang pagkilala ng utang na loob ay ang pagpapahayag ng ating pasasalamat at papuri, at ito ay isang mahalagang handog sa paningin ng ating Diyos.
Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,
ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan. Proverbs 11:3
👉 Ang integridad ay ang pagsunod sa mga prinsipyong moral at etikal. Ang katangiang ito na tulad ni Kristo ay mahalaga sa tunay na pagkatao. Ito ay ipinapakita sa katapatan, at pagiging totoo ng isang tao at sa paglipas ng panahon ay magbubunga ng karangalan, katotohanan, at pagiging maaasahan
8. Kindness
"Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis." Colossians 3:12
👉 Ang pagpapakita ng kabaitan ay bunga ng totoong pag-ibig. Hindi kayang itago ito dahil mayroon syang mabuting kalooban. Ang isang Christ-like na mananampalataya ay masugid na tutulong sa kahinaan at limitasyon ng iba. Ang kanilang mga salita at kilos ay inilaan para sa kapakinabangan ng iba.
19 Kung sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao marami ang itinuring ng Dios na matuwid. Romans 5:19
👉 Dahil nakita ng iyong mga anak na tinuruan mo sila na mag-obey nang buong puso, ganoon din ang gagawin nila sa iyong mga apo. Makikita mo nalang na walang alaskador na mga mata, walang malalim na buntong-hininga, o nag-aatubili, dahil nakita nila noong una na tapat ang pagturo mo sa kanila.
10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa. Romans 12:10
👉 Ang paggalang at dangal ay mshalaga.
Ang parangalan sa isang tao ay nangangahulugang "pagbibigay ng halaga." Ang karangalan ay karaniwang ibinibigay batay sa posisyon, katayuan, kayamanan, o katangian at ipinapakita ng ating paggalang. Sikaping Maging kagagalang-galang at laging magalang sa iba.
11. Patience
“We will have genuine joy and happiness only as we learn patience."
👉 Ma-develop natin ang pagtitiyaga sa pamamagitan ng paghahangad na gawin ang kalooban ng Diyos, nagtitiwala na tutuparin Niya ang lahat ng Kanyang mga pangako sa atin. Habang natututo tayong maging matiyaga sa maliliit na bagay, inihahanda natin ang ating sarili na harapin ang mas malalaking pagsubok nang may pagtitiis.
12. Contentment
“And if we have food and covering, with these we shall be content.” (1 Timothy 6:8)
👉 Napagtatanto na ibinigay ng Diyos ang lahat ng kailangan ko para sa aking kasalukuyang kaligayahan.
13. Determination
"Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya. 8 Kaya naghihintay sa akin ang koronang gantimpala para sa mga namuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Sa Araw na iyon, ang Panginoon na siyang makatarungang Hukom, ang siyang magpuputong sa akin ng korona; hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang pagbabalik." 2 Timoteo 4:7-8
👉 Naiintindihan kong maraming pagsalungat sa pagtupad ng layunin ng Panginoon sa buhay ko pero kasama ko ang Panginoon sa takbuhing ito.
14. Diligence
" Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao." Colosas 3:23
👉 Isinasalarawan ang bawat gawain bilang isang espesyal na atas mula sa Panginoon at ginagamit ang lahat ng aking lakas upang magawa ito.
15. Initiative
" Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti." Roma 12:21
👉 Pagkilala at paggawa kung ano ang kailangang gawin bago ako hilingin na gawin ito.
16. Loyalty
" Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan." John 15:13
👉 Ginagamit ang mahihirap na panahon para ipakita ang aking pangako sa Diyos at sa mga taong nasa palibot ko.
17. Humility
Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Dios. Kaya nga sinasabi sa Kasulatan, “Kinakalaban ng Dios ang mga mapagmataas, pero kinakaawaan niya ang mapagpakumbaba.” James 4:6
👉 Nakikita ang kaibahan ng kabanalan ng Diyos at ng aking pagkamakasalanan.
Copyright © 2024 CCM - 3F Central Mall, City of Biñan. All Rights Reserved.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.