Signed in as:
filler@godaddy.com
~ TONY DUNGY & JAMES BROWN
Disclaimer: This material is sourced from RightNow Media. Our goal is not to sell or profit from this tool, but to inspire our Connect Group leaders to develop effective patterns in their own fields for sharing One-Verse and ultimately making disciples.
SESSION 1: GOD WANTS YOU ON HIS TEAM
Bago mo panoorin ang sesyon, narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tingnan sa pagtuturo nina James at Coach Dungy. Habang nanonood ka, bigyang-pansin kung paano nila sinagot ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano inilarawan ni Coach Dungy kung paano siya naging bahagi ng Team Jesus?
2. Ano ang apat na aspeto ng pagiging bahagi ng Team Jesus?
REVIEW:
👉 Napatunayan natin sa karanasan ni Coach Dungy na posibleng gamitin ng Panginoon ang iyong trabaho, eskwela, o saan ka man konektado upang maging mananampalataya din ang mga taong nasa paligid mo, sa pamamagitan ng simpleng paanyaya sa isang Bible study. Ikaw din ba ay nakakilala kay Kristo sa pamamagitan ng simpleng paanyaya? Ano kaya ang magiging bunga kung iimbitahan mo ang isang tao sa paligid mo (trabaho, negosyo, eskwela, tropa, atbp.) para sa isang simpleng Bible study o pagsamba sa Linggo?
👉 Ipinunto ni James na sa mga sekular na lugar, sinasabihan tayong ibukod ang ating pananampalataya at limitahan ito sa Linggo ng umaga lamang. Ngunit bilang mga mananampalataya, iisa lang ang ating buhay at pananampalataya, at naiintindihan natin ang huling bilin ng ating Panginoon sa Matthew 28:18-20. Sa anong mga paraan ka sinabihan na ibukod ang iyong pananampalataya? Paano mo ipinapakita ang pananampalataya sa bawat aspeto ng iyong buhay?
👉 Si Coach Dungy ay laging naririnig na ang relihiyon at pulitika ay hindi dapat dinadala sa trabaho o sa eskwelahan, ngunit ang kanyang koponan sa football at coach ang nagpakita sa kanya na posible mong dalhin ang Diyos saan ka man magpunta. Ano ang nararamdaman mo kapag ang iyong mga katrabaho o mga kaklase ay nag-uusap tungkol sa mga isyu sa pulitika o relihiyon sa trabaho o sa eskwelahan? Malimit saan mo ba ito naririnig na pinag-uusapan?
👉 Hindi gaya ng football o kahit anong pang sport, ang laro ng buhay ay walang time-out o halftime. Saan ka man magpunta, ikaw ay isang kinatawan ni Hesus. Sa palagay mo, ano kaya ang magiging anyo ng iyong kapaligiran kung may nangyayari nang small group bible study sa lugar mo?
👉 Coach Dungy ay tinapos ang sesyon sa pag-udyok sa atin na suriin kung paano gagamitin ang ating mga hilig at talento upang maglingkod sa Diyos. Dahil kung tayo ay lahat nakatuon sa paglilingkod sa Diyos sa abot ng ating kakayahan, ang ating koponan ay magiging mas matatag. Paano mo ginagamit ang mga talento at kasanayan na ibinigay sa iyo ng Diyos upang maluwalhati ang Panginoon? Ano sa palagay mo ang iyong "papel" sa Team Jesus/Connect Group/CCM?
❤️ LAST WORD
A good coach makes sure that every individual on their team has everything they need to be successful. In the same way, God not only wants us on his team but has given us everything we need to thrive in the game of life. Life will look different for all of us, but when we know that he’s equipped us with unique talents for his glory, we can stand firm in faith.
📖 DEEPER WALK
Read: Read and memorize 1 Corinthians 12:12, “For as the body is one and has many parts, and all the parts of that body, though many, are one body—so also is Christ.”
Write: This week, meditate on what James and Coach Dungy said about all that we have by being on God’s team. Use a journal or notepad to write down what you’re thankful to God for providing.
Pray: Pray and ask God to help you live in a way that reflects being on his team and encourages others to know him.
*****************
Disclaimer: This material is sourced from RightNow Media. Our goal is not to sell or profit from this tool, but to inspire our Connect Group leaders to develop effective patterns in their own fields for sharing One-Verse and ultimately making disciples.
GALACIA 3:26-28
"Sapagkat kayong lahat ay anak ng Diyos dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo Jesus. Nang kayo'y mabautismuhan kay Cristo, mismong siya ay parang damit na isinuot sa inyo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at Griyego, ang alipin at malaya, ang lalaki at babae; kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus."
ANG NILALAMAN NG VIDEO SA TAGALOG:
"(0:06) Tinitingala ko ang aking lolo. Tinuruan niya ako tungkol sa Panginoon at, ang pamumuhay ng pagiging Kristiyano. Nang namatay ang lolo ko, sobrang naapektuhan ako.
At dahil doon, nagsimula akong magtanong sa Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Naiisip ko noon na sumali sa gang dahil ang pera ang pinakamahalaga, proteksyon, at pamilya. Isang gabi, kasama ang kaibigan ko, palagi kaming gumagawa ng mga kalokohan, at sinabi niya, "hey, gusto mong mag-car hopping?" Kaya sinabi ko, "oo, walang problema."
Lumabas kami at nahuli kami. At sa kulungan, nakilala ko ang isang tao na nandoon na ng hindi bababa sa 16 na beses labas pasok sa kulungan. At sinabi niya, "masyado ka pang bata para sirain ang buhay mo."
Pagkatapos noon, nagsimula talaga akong mag-isip ng mga bagay-bagay. Nang nakalabas ako, isa sa mga kamag-anak ko ay nagsisimba tuwing Linggo, at pitong taon na akong hindi nakakapag-simba. Kaya naisip ko, "bakit hindi?" At kaya pumunta ako.
At sa simula pa lang, tinanggap nila ako ng may pagmamahal, tinatanong ako, "sino ka? Kumusta ang araw mo?" mga ganoong bagay. Gusto kong magsimba ng mas madalas dahil sa mga ganitong magandang tingin nila sa akin.
Nang nasa simbahan ako, napanood ko ang isang video. Ang tao sa video ay nagkukwento tungkol sa kanyang mga adiksyon at kung paano ito iniiwas siya sa Diyos. Napag-isip ako nang malalim sa lahat ng nagawa ko sa nakaraan.
At iyon ang naging turning point para sa akin. Talagang gusto kong simulan ang buhay ko kasama si Cristo. Kaya lumapit ako noong Linggo at tinanong ko ang pastor kung pwede ba akong ma-baptize at kilalanin ang sarili ko kay Cristo.
At sinabi niya, "siyempre." Tumingin ako sa kanya at sinabi ko, "hindi ko yata kayang patawarin ang sarili ko sa lahat ng nagawa ko." At sinabi niya, "napatawad ka na."
Napatawad ka na. Naramdaman ko ang labis na saya. Umiyak ako nang malaman ko na pinatawad na ako at ito'y tunay na kaligayahan.
Ang malaman na pinatawad ka na ng Diyos, iyon ay isang biyaya. Pagkatapos ko ma-baptize sa tubig, maraming tao ang lumapit sa akin at gustong makilala ako, nakipagkamay, at sinabing, "nandito kami para sa'yo." "Kung kailangan mo ng kahit ano, tawagan mo ako. Heto ang numero ko."
Ang labis na pagmamahal, pag-aalaga, at pagkakaibigan. At lahat ng iyon para sa akin ay pamilya.
Patuloy pa rin akong nakikipaglaban sa mga tukso, ngunit pumupunta ako sa aking pamilya kay Cristo, ang simbahan, para tulungan ako. At palagi silang nandiyan upang suportahan ako at ibalik ako sa tamang landas."
----------------------------------------
ATING PAPAG-ARALAN
👉 Sa kwento ni Drew, ang kulungan ang naging kasangkapan ng Panginoon upang maibaling niya nang tuluyan ang kanyang atensyon sa Diyos. Kung walang kulungan, walang pagbabagong naumpisahan.
TANONG: Kung kay Drew ay kulungan ang ginamit ng Diyos, ano naman ang ginamit ng Panginoon upang naging nanampalataya ka? Ibahagi sa grupo.
👉 Ayon sa testimony ni Drew, isa sa mga bagay na nagbigay sa kanya ng dahilan upang bumalik sa simbahan ay ang pagpapakita ng mga mananampalataya ng pagmamahal sa kanya sa pamamagitan ng mga simpleng tanong tulad ng "Sino ka? Kumusta ang araw mo?"
TANONG: Ano ang nakikita mong magandang ginagawa ng CCM sa mga bisita upang mahikayat silang bumalik? Ano ang mga suhestyon mo upang mapabuti pa ito?
👉 Isa sa mga turning point ni Drew sa kanyang pagpasya na umpisahan ang kanyang bagong buhay kasama si Kristo at sumunod sa water baptism ay noong nakapakinig siya ng testimony ng isa sa mga mananampalataya at in-assure siya ng pastor na lahat ng kasalanan niya ay napatawad na.
TANONG: Ikaw, ano ang naging turning point mo na sumunod sa water baptism? Ibahagi sa grupo.
TANONG: Sa palagay mo, bakit kaya "TRUE FAMILY" ang naging title ng pag-aaral na ito?
📖 DEEPER WALK
Here are some Bible verses that talk about Jesus and the concept that believers are a true family:
These verses emphasize the spiritual family that believers form through their faith in Jesus Christ.
Copyright © 2024 CCM - 3F Central Mall, City of Biñan. All Rights Reserved.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.