Upcoming Activity: Church Anniversary – Aug. 2025
CCM, 3F Central Mall, City of Biñan, Laguna, Philippines
Signed in as:
filler@godaddy.com
Upcoming Activity: Church Anniversary – Aug. 2025
Signed in as:
filler@godaddy.com
Welcome sa bago mong journey bilang Connect Group Leader! Siguro excited ka, kinakabahan, o halo-halo ang feelings — pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa.
Sa Christ-Centered Ministries, ang bawat Connect Group ay bahagi ng ating mas malaking layunin:
“To honor God and make followers committed to Christ, who, in turn, will inspire others to
Welcome sa bago mong journey bilang Connect Group Leader! Siguro excited ka, kinakabahan, o halo-halo ang feelings — pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa.
Sa Christ-Centered Ministries, ang bawat Connect Group ay bahagi ng ating mas malaking layunin:
“To honor God and make followers committed to Christ, who, in turn, will inspire others to follow Christ.”
Iyan ang dahilan kung bakit tayo naglilid — hindi lang para sa meeting, kundi para sa misyon.
Sinabi ni Jesus:
“Go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
and teaching them to obey everything I have commanded you.”
— Matthew 28:19–20
Bilang leader, hindi mo kailangang maging expert — ang role mo ay mag-create ng safe space kung saan pwedeng magtanong, makinig, at matutong sumunod kay Jesus nang sama-sama.
Ang Connect Group ay hindi lang simpleng gathering — ito ay discipleship in action.
At dahil dito, narito ang isang simpleng gabay para simulan mo nang tama at manatiling effective sa bagong responsibilidad mo bilang leader.
Hindi kailangan magpanggap. Ang pagiging totoo mo ang isa sa pinaka-effective mong tools. Ikwento mo kung paano ka binabago ni Lord — ang tagumpay, kahinaan, at learning moments mo. Mas nag-oopen up ang members kapag nakikita nilang real ka.
Pro Tip: Sabihin mo sa grupo mo — “Sabay tayong lalago.”
Ang bawat session, kailangan ng guide. Bago kayo mag-meet, basahin mo muna ang material (One-Verse, DJK 1,2, o Sunday message notes). Mag-pray ka rin na si Lord muna ang kumausap sa’yo.
Pro Tip: Kahit 15–30 minutes lang na preparation, malaking tulong 'yan para maging smooth ang session.
Habang nasa session, makinig ka. Huwag agad i-correct ang mga sagot; hayaang mag-open up ang bawat isa. Hindi mo kailangan maging laging tama — ang kailangan lang ay pusong marunong makinig at magmahal.
Pro Tip: Eye contact, affirming words, at kahit simpleng tahimik na pakikinig — powerful na yan.
Prayer is the key. Bago pa mag-start ang session, ipag-pray mo na ang group mo. During the discussion, hayaan mo ang Holy Spirit na gumalaw. Pagkatapos ng meeting, ipanalangin mo uli sila.
Pro Tip: Laging itanong: “Paano kita ipagpe-pray this week?”
Ang Connect Group ay hindi lang chikahan, Q&A night, o counseling session. Ito ay para sa spiritual growth at obedience sa Word ni God. I-clarify ito sa simula pa lang, at basahin ang kasunduan na makikita sa ating website under DJK.
Pro Tip: Sabihin mo ito nang malinaw — “Ang goal natin ay lumalim sa relasyon natin kay Jesus.”
Busy ang lahat — pati ikaw. Pero ang consistency mo bilang leader ang magbubuo ng community. Kahit minsan konti lang ang dumating, tuloy lang. God honors faithfulness.
Pro Tip: Kahit isa lang ang dumating, ituloy mo pa rin. Baka may ginagawa si Lord sa puso ng taong 'yon.
Normal lang na kabahan, pero tandaan mo: kasama mo si Lord. Meron kang support mula sa church at sa leaders na nauna sa’yo. Huwag kang matakot humingi ng tulong.As you lead your Connect Group, tandaan mo: hindi lang meeting ang ginagawa mo —
ginagamit ka ng Panginoon upang may mabagong iba.
So, ready ka na. Simulan mo na. Magtiwala ka kay Lord.
Let’s raise a generation rooted in Christ — one Connect Group at a time.
Copyright © 2025 CCM - 3F Central Mall, City of Biñan. All Rights Reserved.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.